[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: "Panginoon ko, gawin Mo ito na isang bayang matiwasay at tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga bunga – ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw." Nagsabi Siya: "Ang sinumang tumangging sumampalataya ay pagtatamasain Ko siya nang kaunti, pagkatapos ay ipagpipilitan Ko siya sa pagdurusa sa Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!"