Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; bahagi nito ay mga talatang tahas – ang mga ito ay ang batayan ng Aklat – at mga ibang talinghaga. Tungkol sa yaong sa mga puso nila ay may paglihis, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagpapakahulugan dito. Walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.


الصفحة التالية
Icon