Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: "Bagkus, pakana ng gabi at maghapon noong nag-uutos kayo sa amin na tumanggi kaming sumampalataya kay Allāh at na gumawa kami para sa Kanya ng mga kaagaw." Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maglalagay Kami ng mga kulyar sa mga leeg ng mga tumangging sumampalataya. Hindi sila gagantihan kundi [dahil sa] dati nilang ginagawa.