Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa’t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at ng kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyon ay ang paghahalimbawa sa kanila sa Torah. Ang paghahalimbawa sa kanila sa Ebanghelyo ay gaya ng tanim na nagluwal ng usbong nito, at saka pinalakas nito iyon, at saka kumapal iyon, at saka tumayo iyon sa puno nito, na nagpatuwa sa mga tagatanim, upang magpangitngit Siya sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos kabilang sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang dakila.


الصفحة التالية
Icon