Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung hindi sila nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon sila ng anak ay ukol sa inyo ang ikaapat mula sa naiwan nila noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin nila o ng [pambayad sa] isang utang. Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo kung hindi kayo nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon kayo ng anak ay ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin ninyo o ng [pambayad sa] isang utang. Kung ang isang lalaki o isang babaing nagpapamana ay walang anak ni magulang at mayroon siyang isang kapatid na lalaki o isang kapatid na babae, ukol sa bawat isa sa dalawa ang ikaanim; ngunit kung sila ay higit kaysa roon, sila ay magkakahati sa ikatlo noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin o ng [pambayad sa] isang utang, nang hindi nakapipinsala. Bilang habilin mula kay Allāh, at si Allāh ay Maalam, Matimpiin.


الصفحة التالية
Icon