Ang mga tumahan sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya, mula ng bago pa ng mga [nagsilikas na] iyon, ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila. Hindi sila nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon at nagtatangi sila [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang napangangalagaan sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.