Ipinagbawal sa inyo [na mapangasawa] ang mga ina ninyo, ang mga babaing anak ninyo, ang mga babaing kapatid ninyo, ang mga tiyahin ninyo sa ama, ang mga tiyahin ninyo sa ina, ang mga babaing anak ng lalaking kapatid ninyo, ang mga babaing anak ng babaing kapatid ninyo, ang mga ina ninyo na nagpasuso sa inyo, ang mga babaing kapatid ninyo sa pagpapasuso, ang mga ina ng mga maybahay ninyo, ang mga babaing anak na panguman ninyong nasa ilalim ng pangangalaga ninyo mula sa mga maybahay ninyong nakipagtalik kayo sa kanila, subalit kung hindi kayo nakipagtalik sa kanila ay walang maisisisi sa iyo, ang mga maybahay ng mga lalaking anak ninyo mula sa mga gulugod ninyo, at na pagsabayin ninyo ang dalawang magkapatid na babae, maliban sa nagdaan na. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
____________________
Kung ang pagpapasuso ay kulang sa limang beses, hindi magkakabisa ang pagbabawal sa pag-aasawa (Ibnu Kathīr, Tomo 2, Numero 416).