O mga sumampalataya, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay mga lasing hanggang sa makaalam kayo sa sinasabi ninyo ni habang mga kailangang-maligo, malibang mga tumatawid sa landas [ng pagdarasalan], hanggang sa makapaligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa palikuran, o sumaling kayo ng mga babae at hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka humaplos kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
____________________
Ang paghaplos sa mukha at mga kamay ng mga kamay na ipinagpag sa malinis na lupa ay tinatawag na tayammum. Ito ay pamalit sa wuḍu' kapag hindi maaaring gumamit ng tubig.


الصفحة التالية
Icon