Mayroon sa mga nagpakahudyo na naglilihis sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito at nagsasabi: “Nakinig kami at sumuway kami,” “Makinig ka ng hindi pinaririnig,” at “Rā`inā” bilang pagpilipit sa mga dila nila at paninirang-puri sa relihiyon. Kung sakaling sila ay nagsabi: “Nakinig kami at tumalima kami,” “Makinig ka,” at “Tumingin ka sa amin,” talaga sanang iyon ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matuwid, subalit isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti.
____________________
Ang sinabi nilang "Rā`inā" ay maaaring mangahulugang mag-unawaan tayo ngunit nangangahulugan ng panlalait sa wikang Hebreo nila.


الصفحة التالية
Icon