Hindi nangyaring ukol sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya malibang dala ng isang pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng isang pagkakamali, [ang pambayad-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya at pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito, malibang magkawanggawa sila. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong kaaway para sa inyo at siya ay isang mananampalataya, [ang pambayad-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan, [ang pambayad-sala ay] pagbabayad-pinsalang iaabot sa mag-anak nito at pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya; ngunit ang sinumang hindi makatagpo, [ang pambayad-sala ay] pag-aayuno ng dalawang buwang magkakasunod bilang paghiling ng pagbabalik-loob mula kay Allāh. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.