Pagkatapos ay tumigas ang mga puso ninyo noong matapos niyon, kaya ang mga ito ay para bang mga bato o higit na matindi sa katigasan. Tunay na mayroon sa mga bato na talagang bumubulwak mula rito ang mga ilog. Tunay na mayroon sa mga ito na talagang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula rito ang tubig. Tunay na mayroon sa mga ito na talagang lumalapag dala ng takot kay Allāh. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.


الصفحة التالية
Icon