Sa pagitan ng dalawang pangkat na ito: ang mga maninirahan sa Paraiso at ang mga maninirahan sa Impiyerno ay mayroong isang harang na mataas na tinatawag na ang mga [tuktok]. Sa harang na mataas na ito ay may mga lalaking nagkapantay ang mga magandang gawa nila at ang mga masagwang gawa nila. Sila ay nakakikilala sa mga maninirahan sa Paraiso ayon sa mga palatandaan ng mga ito gaya ng kaputian ng mga mukha, at sa mga maninirahan sa Impiyerno ayon sa mga palatandaan ng mga ito gaya ng kaitiman ng mga mukha. Tatawagin ng mga lalaking ito ang mga maninirahan sa Paraiso bilang pagpaparangal sa mga ito, habang mga nagsasabi: "Kapayapaan ay sumainyo." Ang mga maninirahan sa Paraiso ay hindi pa nakapasok doon at sila ay umaasa ng pagpasok doon dahil sa awa mula kay Allāh.