Sabihin mo, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na ito: "Walang dadatal sa amin maliban ng itinakda ni Allāh ukol sa amin. Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang Pinapanginoon namin at ang kanlungan Namin, sa Kanya kami kumakanlong habang kami ay mga nananalig sa kanya sa mga kapakanan namin at sa Kanya - tanging sa Kanya - ipinagkakatiwala ng mga mananampalataya ang mga kapakanan nila sapagkat Siya ay nakasasapat sa kanila. Kay inam ang Pinagkakatiwalaan!


الصفحة التالية
Icon