Kabilang sa kanila ang mga nananakit sa Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-sa pamamagitan ng pananalita, at nagsasabi sila kapag nakita na nila ang dala-dala niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:" Tunay na siya ay nakikinig sa bawat isa, at hindi niya naitatangi ang sa pagitan ng katotohanan sa kabulaanan. Sabihin mo sa kanila -O Sugo-:"Tunay na ang Sugo ay hindi nakaririnig maliban sa kabutihan, may paniniwala kay Allāh, at naniniwala sa anumang ipinababatid sa kanya ng mga mananampalataya na mga tapat, at naaawa siya sa kanila dahil ang pagpapadala sa kanya ay bilang awa sa sinumang nanampalataya sa kanya, at sa sinumang nanakit sa kanya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan- sa kahit anong uri ng pananakit, ay ukol sa kanila ang parusang masakit.