Huwag kayong magdahilan sa pamamagitan ng mga dahi-dahilang sinungaling na ito sapagkat naghayag nga kayo ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng pangungutya ninyo matapos na kayo noon ay nagkikimkim nito. Kung magpapalampas Kami sa isang pangkat kabilang sa inyo dahil sa pag-iwan nila sa pagpapaimbabaw, pagbabalik-loob nila mula roon, at pag-uukol nila ng kawagasan kay Allāh, pagdurusahin naman Namin ang isang pangkat kabilang sa inyo dahil sa paggigiit nila sa pagpapaimbabaw at hindi pagbabalik-loob nila mula roon."


الصفحة التالية
Icon