Binigyang-diin nila ang ulat nila sa pamamagitan ng panggugulang sapagkat dumating sila dala ang damit ni Yūsuf na nabahiran ng dugo na hindi dugo niya, na mga nagpapaakalang ito ay bakas ng pagkakain ng lobo sa kanya. Ngunit nakatalos si Jacob - sa pamamagitan ng isang pahiwatig na ang damit ay hindi nagkapunit-punit - sa kasinungalingan nila, kaya nagsabi siya sa kanila: "Ang nangyari ay hindi gaya ng ipinabatid ninyo, bagkus nang-akit sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang masagwang kagagawang ginawa ninyo, kaya ang pagtitiis ko ay isang magandang pagtitiis na walang panghihinawa rito. Si Allāh ay ang hinihilingan ng tulong laban sa binabanggit ninyo na nangyari kay Yūsuf."


الصفحة التالية
Icon