Si Allāh ay ang lumikha sa mga langit nang mga nakaangat na walang mga pantukod na nasasaksihan ninyo. Pagkatapos ay pumaitaas Siya at umangat sa Trono ayon sa kataasang nababagay sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - nang walang takyīf (paglalarawan sa kahulugan) at walang tamthīl (pagtutulad sa kahulugan). Isinailalim Niya ang araw at ang buwan sa mga kapakinabangan ng nilikha Niya. Bawat isa sa araw at buwan ay umiinog sa yugtong itinakda sa kaalaman ni Allāh. Nagsasagawa Siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ng pasya sa mga langit at lupa ayon sa niloloob Niya. Naglilinaw Siya sa mga tandang nagpapatunay sa kakayahan Niya, sa pag-asang makatiyak kayo sa pakikipagtagpo sa Panginoon ninyo sa Araw ng Pagbangon para maghanda kayo para roon ng gawang mabuti.