Kung magtataka-taka ka, O Sugo, sa bagay, ang higit na karapat-dapat na pagtataka-takahan mo ay ang pagpapasinungaling nila sa pagkabuhay at ang sabi nila bilang pangangatwiran sa pagtutol doon: "Kapag namatay kami at kami ay naging alabok at mga nadurog na butong bulok, bubuhayin at manunumbalik ba kami bilang mga buhay?" Ang mga tagapagkailang iyon sa pagkabuhay matapos ng kamatayan ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila sapagkat ikinaila nila ang kakayahan Niya sa pagbuhay sa mga patay. Ang mga iyon ay ilalagay ang mga tanikalang yari sa apoy sa mga leeg nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila daranas ng pagkalipol at hindi mapuputol sa kanila ang pagdurusa.