Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad ng paglaho ng kabulaanan at pananatili ng katotohanan sa tubig ng ulan na bumababa mula sa langit hanggang sa dumaloy ang mga lambak: bawat isa ay ayon sa sukat nito sa liit at laki. Nagdala ang pagdaloy ng yagit at latak na nakaangat sa tubig. Naglahad pa Siya ng iba pang paghahalintulad ng dalawang ito sa bagay na nagpapaningas ang mga tao sa ibabaw nito ng apoy gaya ng mga metal na mamahalin dahil sa paghahangad ng paglusaw sa mga ito at pagyari ng ipinanggagayak ng mga ito. Sa pamamagitan ng dalawang paghahalintulad na ito, naglalahad si Allāh ng paghahalintulad sa katotohanan at kabulaanan. Ang kabulaanan ay tulad ng yagit at bulang lumulutang sa tubig at tulad ng itinatapon ng paglusaw sa metal gaya ng kalawang. Ang katotohanan ay tulad ng tubig na dalisay na iniinuman at nagpapatubo sa mga bunga, halaman, at damo at tulad ng natira mula sa metal matapos ng paglusaw nito para pakinabangan ng mga tao. Gaya ng paglalahad ni Allāh sa dalawang paghahalintulad na ito, naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao upang lumiwanag ang katotohanan mula sa kabulaanan.