Tunay na ang mga kababayan ninyo, kung makababatid sa inyo at makaalam sa pook ninyo, ay papatay sa inyo sa pamamagitan ng pagpukol ng bato o magpapabalik sa inyo sa kapaniwalaan nilang nalilisya, na kayo dati ay nakabatay roon bago nagmagandang-loob si Allāh sa inyo ng kapatnubayan tungo sa relihiyon ng katotohanan. Kung babalik kayo roon ay hindi kayo magtatagumpay magpakailanman sa buhay sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, bagkus malulugi kayo sa dalawang ito ng pagkaluging mabigat dahilan sa pag-iwan ninyo sa relihiyon ng katotohanang ipinatnubay sa inyo ni Allāh at pagbalik ninyo sa kapaniwalaang nalilisyang iyon."


الصفحة التالية
Icon