Gumawa ka, O Sugo, para sa mga nanggigilalas sa Mundo, ng isang paghahalintulad. Ang pagtutulad sa Mundo sa paglalaho nito at bilis ng pagwawakas nito ay tulad ng tubig ng ulan na ibinaba Namin mula sa langit. Tumubo sa pamamagitan ng tubig na ito ang halaman ng lupa at nahinog. Pagkatapos, ang halamang ito ay naging nagkadurug-durog na nagkalugsu-lugso. Tinangay ng hangin ang mga bahagi nito patungo sa ibang mga dako kaya nanumbalik ito sa lupa gaya ng dati. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Nakakakaya: hindi Siya napanghihina ng anuman sapagkat nagbibigay-buhay Siya sa anumang niloob Niya at lumilipol Siya sa anumang niloob Niya.