Tunay na Kami ay ang mananatili matapos ng pagkalipol ng mga nilikha. Magmamana Kami ng lupa at magmamana Kami ng sinumang nasa ibabaw nito dahil sa pagkalipol nila at pananatili Namin matapos nila. Naghari Kami sa kanila at gumawa Kami sa kanila ng anumang niloloob Namin. Sa Amin - tanging sa Amin - sila ibabalik sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.


الصفحة التالية
Icon