Kaya nagpadali lamang Kami ng Qur'ān na ito sa pamamagitan ng pagpababa nito sa wika mo, O Sugo, upang magbalita ka nito ng nakatutuwa sa mga tagapangilag sa pagkakasala na sumusunod sa mga ipinag-uutos Ko at umiiwas sa mga sinasaway Ko, at magpangamba ka nito sa mga taong matitindi sa alitan at pagmamalaki laban sa pagpapasailalim sa katotohanan.