Para sa pagpapahayag ng karumalan ng pangangalunya, binanggit ni Allāh na ang lalaking nasanay nito ay hindi naiibigan ang pag-aasawa maliban sa isang babaing nangangalunyang tulad niya o sa isang babaing tagapagtambal, na hindi nangingilag sa pangangalunya, sa kabila ng kawalan ng kapahintulutan ng pag-aasawa sa kanya. Ang babaing nasanay sa pangangalunya ay hindi naiibigan ang pag-aasawa maliban sa isang lalaking nangangalunyang tulad niya o sa isang lalaking tagapagtambal, na hindi nangingilag sa pangangalunya, sa kabila ng pagkabawal ng pag-aasawa niya rito. Ipinagbawal ang pag-aasawa sa babaing nangangalunya at ang pagpapaasawa ng nangangalunya sa mga mananampalataya.


الصفحة التالية
Icon