Tunay na ang mga umiibig na lumaganap ang mga nakasasama - kabilang sa mga ito ang paninirang-puri hinggil sa pangangalunya - sa mga mananampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng takdang parusa sa paninirang-puri sa kanila, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay pagdurusa sa Apoy. Si Allāh ay nakaaalam sa kasinungalingan nila at anumang kinauuwian ng lagay ng mga lingkod Niya at nakaaalam sa mga kapakanan nila samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon.


الصفحة التالية
Icon