O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas ni Allāh, huwag kayong sumunod sa mga daan ng demonyo sa pang-aakit niya sa kabulaanan. Ang sinumang sumusunod sa mga daan niya, tunay na siya ay nag-uutos ng pangit na mga gawain at mga pananalita, at anumang minamasama ng Batas ng Islām. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo, o mga mananampalataya, walang nadalisay kabilang sa inyo na isa man magpakailanman sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kung nagbalik-loob ito; subalit si Allāh ay nagdadalisay sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagbabalik-loob nito. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.


الصفحة التالية
Icon