Mga lalaking hindi nalilibang ng isang pagbili ni ng isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya, pagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na anyo, at pagbibigay ng zakāh para sa mga gugulin nito. Nangangamba sila sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na iyon na magpapalipat-lipat doon ang mga puso sa pagitan ng pagmimithi sa kaligtasan mula sa pagdurusa at ng pangamba roon, at magpapalipat-lipat doon ang mga paningin sa alinmang dakong pupunta ang mga ito.


الصفحة التالية
Icon