Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga gawa nilang ginawa nila na walang gantimpala sa mga ito ay tulad ng malikmata sa isang mababang bahagi ng lupa. Nakikita iyon ng uhaw kaya nag-aakala ito na iyon ay isang tubig at pumunta ito roon. Hanggang sa nang dumating ito roon at tumigil ito roon ay hindi ito nakatagpo ng tubig. Gayon din ang tagatangging sumampalataya; nag-aakala ito na ang mga gawa nito ay magpapakinabang dito. Hanggang sa nang namatay ito at binuhay ito, hindi ito nakatagpo ng gantimpala sa mga iyon. Nakatagpo ito sa Panginoon nito sa harap nito at magkakaloob Siya rito ayon sa pagtutuos dito nang ganap. Si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.