Hindi mo ba nalaman, O Sugo, na si Allāh ay nag-aakay sa mga ulap. Pagkatapos ay nagpapasanib Siya sa mga parte ng isang bahagi ng mga ito sa isang bahagi. Pagkatapos ay gumagawa Siya sa mga ito na nagkabuntun-bunton na pumapatong ang iba sa mga ito sa iba pa, at nakikita mo ang ulan na lumalabas mula sa loob ng mga ulap. Nagpapababa Siya mula sa dako ng langit mula sa mga ulap na nagkakapalan sa loob ng mga ito - na nakawawangis ng mga bundok sa laki ng mga ito - ng mga pirasong namumuong tubig na gaya ng mga munting bato. Nagpapatama Siya ng yelong iyon sa kaninumang niloloob Niya sa mga lingkod Niya at nagbabaling Siya niyon palayo sa kaninumang niloloob Niya sa kanila. Halos ang liwanag ng kidlat ng mga ulap, dahil sa tindi ng kislap nito, ay tumangay sa mga paningin.


الصفحة التالية
Icon