Nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw: "Sumampalataya kami kay Allāh at sumampalataya Kami sa Sugo, at tumalima Kami kay Allāh at tumalima Kami sa Sugo Niya." Pagkatapos ay may tumatalikod na isang pangkatin kabilang sa kanila kaya hindi sila tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya sa pag-uutos ng pakikibaka sa landas ni Allāh at ng iba pa matapos na akalain nilang iyon ay bahagi ng pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at pagtalima sa kanilang dalawa. Ang mga tumatalikod sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi ang mga mananampalataya, kahit pa nag-angkin sila na sila ay mga mananampalataya.


الصفحة التالية
Icon