Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila: "Naniwala ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang siya ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo ang ibabagsak ko sa inyo na parusa. Talagang magpuputul-putol nga ako sa paa ng bawat isa at sa kamay niya nang magkabilaan sa mga ito sa pamamagitan ng pagputol sa kanang paa kaalinsabay ng kaliwang kamay, o kabaliktaran. Talagang magbibitin nga ako sa inyo sa kalahatan sa mga troso ng punong-datiles. Hindi ako magtitira mula sa inyo ng isa man."


الصفحة التالية
Icon