Pumasok si Moises sa lungsod sa isang oras ng pamamahinga ng mga tao sa mga bahay nila. Nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aalitan at nagsasapukan. Ang isa sa dalawa ay kabilang sa mga anak ni Israel na mga kalipi ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - at ang iba naman ay kabilang mga Kopto na mga kalipi ni Paraon na mga kaaway ni Moises. Humiling ang kabilang sa lipi niya na tulungan ito laban sa kabilang sa mga Kopto na mga kaaway niya. Kaya sinapok ni Moises ang kopto sa pamamagitan ng nakakuyom na kamay niya at napatay niya iyon sa pamamagitan ng pagsapok na iyon dahil sa lakas niya. Nagsabi si Moises: "Ito ay kabilang sa pang-aakit ng demonyo at pagpapalisya niya; tunay na ang demonyo ay isang kaaway na tagapagligaw para sa sinumang sumunod sa kanya, na maliwanag sa pagkamuhi sapagkat ang nangyari sa akin ay dahilan sa pagkamuhi niya at dahilan sa siya ay tagapagligaw na nagnanais ng pagpapaligaw sa akin."