Kaya noong nagnais si Moises - sumakanya ang pangangalaga - na bumugbog sa Kopto na isang kaaway para sa kanya at sa Israelita, nag-akala naman ang Israelita na si Moises ay nagnanais na mamugbog dito noong narinig nito siya na nagsasabi: "Tunay na Ikaw ay talagang maliwanag na lisya." Kaya nagsabi ito kay Moises: "Nagnanais ka bang pumatay sa akin tulad ng pagpatay mo sa isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi maging isang mapaniil ka sa lupain: pumapatay ka ng mga tao at lumalabag ka sa katarungan sa kanila, at hindi mo ninanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos sa pagitan ng mga nag-aalitan."


الصفحة التالية
Icon