Ngunit noong dumating sa liping Quraysh si Muḥammad dala ang pasugo mula sa Panginoon niya ay nagtanong sila sa mga Hudyo tungkol doon kaya idinikta ng mga ito sa kanila ang katwirang ito kaya naman nagsabi sila :"Bakit nga ba hindi binigyan si Muḥammad ng tulad sa ibinigay kay Moises na mga tandang nagpapatunay na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya gaya ng [paggaling ng] kamay at tungkod [na naging ahas]?" Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Hindi ba tumangging sumampalataya ang mga Hudyo sa ibinigay kay Moises noong una?" Nagsabi sila kaugnay sa Torah at Qur'ān: "Ang dalawang ito ay dalawang panggagaway na kumakatig ang isa sa dalawa sa isa pa." Nagsabi pa sila: "Tunay na kami sa bawat isa sa Torah at Qur'ān ay mga tagatangging sumampalataya."