Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang na magpakabuti siya sa kanilang dalawa at magmagandang-loob siya sa kanilang dalawa. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo, O tao, upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil sa pagtatambal sa Kanya - gaya ng naganap kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allāh sa kanya, mula sa ina niya - ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagapalikha. Tungo sa Akin - tanging sa Akin - ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, at magpapabatid Ako sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo.


الصفحة التالية
Icon