Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh," ngunit kapag sinaktan ng mga tagatangging sumampalataya dahil sa pananampalataya ay nagtuturing sa pagdurusang dulot ng mga iyon na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh kaya naman tumatalikod sa pananampalataya bilang pagsang-ayon sa mga tagatangging sumampalataya. Talagang kung may nangyaring isang pag-aadya mula sa Panginoon mo para sa iyo, O Sugo, ay talagang magsasabi nga sila: "Tunay na kami ay kasama sa inyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga tao? Walang naikukubli sa Kanya sa anumang nasa mga ito na kawalang-pananampalataya at pananampalataya. Kaya papaano kayong magbabalita kay Allāh ng nasa mga puso nila samantalang Siya ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga ito kaysa sa inyo?