Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng pagkaunawa sa relihiyon at pagkatama sa mga usapin. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka, O Luqmān, sa Panginoon mo noon sa ibiniyaya Niya sa iyo na pagtutuon sa pagtalima sa Kanya." Ang sinumang nagpapasalamat sa Panginoon niya, ang pakinabang sa pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa sarili niya sapagkat si Allāh ay walang-pangangailangan sa pasasalamat niya. Ang sinumang nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya at tumangging sumampalataya kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya ay sa kanya at hindi napipinsala si Allāh ng anuman sapagkat Siya ay walang-pangangailangan sa nilikha Niya sa kalahatan, pinapupurihan sa bawat kalagayan.


الصفحة التالية
Icon