Kapag pumaligid sa kanila mula sa bawat gilid ang mga alon na tulad ng mga bundok at mga ulap ay dumadalangin sila kay Allāh - tanging sa Kanya - bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagdalangin at pagsamba; ngunit noong tumugon si Allāh sa kanila, nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, at naligtas sila sa pagkalunod, mayroon sa kanila na katamtaman: hindi nagsagawa ng kinailangan sa kanya na pasasalamat ayon sa paraang lubos, at mayroon sa kanila na tagapagkaila sa biyaya ni Allāh. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat taksil sa pangako - tulad ng nakipagkasundo kay Allāh na talagang kung ililigtas siya ay talagang magiging kabilang nga siya sa mga tagapagpasalamat kay Allāh - na palatangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh: hindi siya nagpapasalamat sa Panginoon niya na nagbiyaya nga mga ito sa kanya.


الصفحة التالية
Icon