Kung paanong hindi gumawa si Allāh ng dalawang puso sa dibdib ng isang lalaki, gayon din hindi Siya gumawa sa mga maybahay ayon sa antas ng mga ina sa pagbabawal at hindi Siya gumawa, gayon din, sa mga anak sa pag-aampon ayon sa antas ng mga anak sa laman sapagkat ang đihār (pagtutulad sa maybahay sa antas ng ina) - ang pagbabawal ng lalaki sa maybahay niya sa sarili niya - gayon din ang pag-aampon ay kabilang sa mga kaugalian ng Panahon ng Kamangmangan na pinawalang-saysay ng Islām. Ang đihār at ang pag-aampon ay isang sinasabing inuulit-ulit ng mga bibig ninyo, walang katuturan doon sapagkat ang maybahay ay hindi ina ni ang ampon ay anak para sa sinumang nag-angkin nito. Si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay nagsasabi ng katotohanan upang gumawa ayon dito ang mga lingkod Niya at Siya ay gumagabay sa daan ng katotohanan.