Si Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay higit na may karapatan sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila sa bawat ipinaanyaya niya sa kanila, kahit pa man nangyaring ang mga sarili nila ay higit na kumikiling sa iba pa rito. Ang mga maybahay niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nasa antas ng mga ina ng lahat ng mga mananampalataya kaya ipinagbabawal sa isang mananampalataya na pangasawahin ang isa sa kanila matapos ng pagkamatay niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang mga may pagkakamag-anak, ang iba sa kanila ay higit na may karapatan sa iba sa pagmamana ayon sa patakaran ni Allāh kaysa sa mga may pananampalataya at paglikas sa landas ni Allāh, na sila noon ay nagmamanahan sa pagitan nila sa simula ng Islām. Pagkatapos ay pinawalang-saysay ang pagmamanahan nila matapos niyon, maliban na gumawa kayo, O mga mananampalataya, sa mga katangkilik ninyo na kabilang sa hindi mga tagapagmana ng isang nakabubuti na paghahabilin para sa kanila at pagmamagandang-loob sa kanila sapagkat karapatan ninyo iyon. Nangyaring ang kahatulang iyon ay nakatitik sa Tablerong Pinag-iingatan kaya kinakailangan ang paggawa ayon doon.


الصفحة التالية
Icon