Tumanggap si Allāh sa tipang binigyang-diin na ito mula sa mga propeta upang magtanong Siya sa mga tapat kabilang sa mga sugo tungkol sa katapatan nila bilang paninisi sa mga tagatangging sumampalataya. Naghanda si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang nakasasakit, ang Apoy ng Impiyerno.


الصفحة التالية
Icon