Itong mga propeta ay ang nagpaabot ng mga pasugo ni Allāh na ibinaba sa kanila sa mga kalipunan nila. Hindi sila nangangamba sa isa man maliban kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - kaya hindi sila pumapansin sa sinasabi ng iba pa sa kanila kapag ginagawa nila ang ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Nakasapat si Allāh bilang isang tagaingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya upang tumuos Siya sa kanila dahil sa mga ito at gumanti sa kanila dahil sa mga ito, na kung kabutihan ay kabutihan ang ganti at kung kasamaan ay kasamaan din ang ganti.