Makapagpapahuli ka, O Sugo, sa sinumang niloloob mo ang pagpapahuli sa parte nito [sa gabi] para hindi ka magpamagdamag kasama niya, at maisasama mo sa iyo ang sinumang niloloob mo mula sa kanila para magpamagdamag kasama niya. Ang sinumang hiniling mong isama mula sa mga ipinagpahuli mo ay walang pagkakasala sa iyo roon. Ang pagpili at ang pagpapaluwag na iyon para sa iyo ay higit na angkop na masiyahan dahil doon ang mga mata ng mga maybahay mo at na malugod sila sa ibinigay mo sa kanila dahil sa pagkakaalam nila na ikaw ay hindi nag-iwan sa kanila bilang isang tungkulin at hindi nagmaramot sa isang karapatan. Si Allāh ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo, O mga lalaki, na pagkiling sa isa sa mga maybahay higit sa iba pa. Laging si Allāh ay Maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, Matimpiin: hindi nagmamadali sa kanila ng kaparusahan nang sa gayon sila ay magbabalik-loob sa Kanya.