Kung maglalantad kayo ng anuman kabilang sa mga gawain ninyo o magtatakip kayo nito sa mga sarili ninyo ay walang maikukubli kay Allāh mula rito na anuman. Tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo ni mula sa iba pa sa mga ito. Gaganti siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti].


الصفحة التالية
Icon