Tunay na ang mga nananakit kay Allāh at sa Sugo Niya sa salita o gawa ay inilayo sila ni Allāh at itinaboy Niya sila mula sa bakuran ng awa Niya sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila sa Kabilang-buhay ng isang pagdurusang manghahamak bilang isang ganti para sa kanila sa ginawa nilang pananakit sa Sugo Niya.


الصفحة التالية
Icon