Kaya hindi ba nakakikita ang mga tagapasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila na lupa at anumang nasa likuran nila na langit? Kung loloobin Namin ang pagpapalamon [sa kanila] sa lupa mula sa ilalim ng mga paa nila ay magpapalamon Kami sa kanila mula sa ilalim nila. Kung loloobin Namin na maglalaglag Kami sa kanila ng mga piraso mula sa langit ay talaga sanang nagpabagsak Kami ng mga ito sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may palatandaang tiyakan para sa bawat lingkod na madalas manumbalik sa pagtalima sa Panginoon niya, na ipinapampatunay iyon sa kakayahan ni Allāh sapagkat ang nakakakaya roon ay nakakakaya sa pagbubuhay na muli sa inyo matapos ng kamatayan ninyo at paggugutay-gutay sa mga katawan ninyo.