Ngunit umayaw sila sa pagpapasalamat kay Allāh at pagsampalataya sa mga sugo Niya kaya nagparusa Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga biyaya sa kanila na naging isang salot. Nagpadala Kami sa kanila ng isang bahang rumaragasang sumira sa saplad nila at lumunod sa mga taniman nila. Nagpalit Kami sa dalawang pataniman nila ng dalawang patanimang namumunga ng bungang mapait. Mayroon sa dalawang ito na mga puno ng tamarisko na hindi namumunga, at mayroong kakaunting mansanitas.


الصفحة التالية
Icon