Ngunit nagpawalang-pakundangan sila sa biyaya ni Allāh sa kanila na pagpapalapit sa mga distansiya at nagsabi sila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa pagitan ng mga paglalakbay namin sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga pamayanang iyon upang makalasap kami ng pagod ng mga paglalakbay at lumantad ang pagkatangi ng mga sasakyang hayop namin." Lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagwawalang-pakundangan nila sa biyaya ni Allāh, pag-ayaw nila sa pagpapasalamat sa Kanya, at inggit nila sa mga maralita kabilang sa kanila. Kaya gumawa Kami sa kanila na maging mga pinag-uusapan na pinag-uusapan noong wala na sila. Pinaghiwa-hiwalay Namin sila sa bayan nang buong pagpapahiwa-hiwalay sa paraang hindi sila nagkakaugnayan sa isa't isa sa kanila. Tunay na sa nabanggit na iyon na pagbibiyaya sa mga mamamayan ng Sheba, pagkatapos ay paghihiganti laban sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagwawalang-pakundangan nila ay talagang may maisasaalang-alang para sa bawat mapagtiis sa pagtalima kay Allāh, sa paglayo sa pagsuway sa Kanya, at sa pagsubok, na mapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh.