Hindi nagkaroon kay Satanas laban sa kanila ng anumang kapamahalaang ipanlulupig sa kanila para maligaw sila. Siya noon ay nang-aakit sa kanila at nagpapalisya sa kanila, ngunit Kami ay nagpahintulot sa kanya sa pagpapalisya sa kanila upang magtangi Kami sa sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na ganti, mula sa sinumang hinggil sa Kabilang-buhay ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo, O Sugo, sa bawat bagay ay Mapag-ingat, na nag-iingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya at gaganti sa kanila sa mga ito.


الصفحة التالية
Icon