Hindi ang mga yaman ninyo at hindi ang mga anak ninyo na ipinagmamalaki ninyo ang mag-aakay sa inyo sa pagkalugod ni Allāh subalit ang sinumang sumampalataya kay Allāh at gumawa ng gawang maayos ay magtatamo ng pabuyang pinag-ibayo. Ang mga yaman ay nakapagpapalapit kay Allāh sa pamamagitan ng paggugol sa mga ito sa landas ni Allāh at ang mga anak naman ay sa pamamagitan ng pagdalangin nila para sa kanya. Yaong mga mananampalatayang tagagawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay gantimpalang pinag-ibayo dahil sa ginawa nilang mga magandang gawa. Sila ay [magiging] nasa mga tuluyang pinakamataas sa paraiso, na mga natitiwasay laban sa bawat pinangangambahan nila na pagdurusa, kamatayan, at pagkaputol ng ginhawa.